Criminology student inaresto sa P7.5 milyong shabu

Sa report ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Central Visayas, naaresto ang suspek na si “Cari”, residente sa Sitio Puntod, sa buy-bust operation sa Sitio San Vicente, C. Padilla St., Barangay Duljo-Fatima sa lungsod.
File

MANILA, Philippines — Posibleng hindi na matutupad ang pangarap ng isang criminology student na maging pulis matapos makumpiskahan ng nasa 1.1 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P7.5 milyon sa Cebu City kama­kalawa.

Sa report ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Central Visayas, naaresto ang suspek na si “Cari”, residente sa Sitio Puntod, sa buy-bust operation sa Sitio San Vicente, C. Padilla St., Barangay Duljo-Fatima sa lungsod.

Ayon sa pulisya, kabilang ang suspek sa regional-level ­high-value target na umano’y pinagkukunan ng ilegal na droga ng iba pang suspek na nauna na nilang nadakip.

Inginuso ang suspek na siyang nagsu-supply sa kanila ng shabu na ikinakalat naman nila sa kanilang mga lugar.

Show comments