Berocca food supplements binawi ng FDA sa merkado

MANILA, Philippines — Nagpalabas ng abiso ang Food and Drug Administration (FDA) Phi­lippines upang bawiin ang dalawang pambatang food supplement dahil sa taglay na yeast na magdudulot ng digestive discomfort o paghihirap sa pagtunaw.

Sa FDA Advisory No. 2025-0020, boluntar­yong binawi ang dalawang batches ng produkto ng Bayer Philippines, Inc. sa merkado ang Berocca Kids Immuno Food Supplement 100 ml Bottle Batch Number 10072204A na may expiry date na “16 May 2026” at 10076315A na may expiry date na “13 Sep 2026” at ang Berocca Kids Immuno Smarty Food Supplement Fruit Berry Flavour 100 ml Bottle na may Batch Number 10072208A at 1007220B na parehong “16 May 2026” ang expiry date.

Show comments