MANILA, Philippines — Inihayag ni Undersecretary Ernesto C Torres Jr. Executive Director ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) nitong Lunes, na sa loob ng anim na taon ay nagawa nila ang kanilang ipinangako ng Communist Terrorist Group (CTG) kumpara sa limang dekada ng panggugulo ng CPP-NPA-NDF.
Ayon kay Torres, walang natupad sa pangako ng CTG na makapagbigay ng kaunlaran sa mga kanayunan tinatawag na mga geographically-isolated and disadvantaged areas (GIDA) kasabay ng paninira umano ng Makabayan Bloc sa task force na balak din umano ng tanggalan ng pondo ang NTF ELCAC.
Sinabi ni Torres na Barangay Development Program (BDP) ng NTF-ELCAC, ang tanging nakapagbigay ng mga pangako ng mga komunistang-teroristang na nagsamantala lamang sa kahinaan ng mga GIDA.
Dagdag ni Torres, mismong mga CTG ang nagpabagal ng kaunlaran sa mga GIDA dahil ginagamit nila itong dahilan para maka-recruit ng kanilang miyembro.