Inflation, pagkain nananatiling most urgent concern ng mga Pinoy – survey
MANILA, Philippines — Nananatili pa ring ang inflation at pagkain ang pangunahing concerns o alalahanin ng mga Pinoy.
Ito ay batay saresulta ng OCTA Research 4th Quarter 2024 Tugon ng Masa (TNM) nationwide survey na inilabas kahapon, 56% ng adult Filipinos ay itinuturing na ang pagkontrol ng presyo ng basic goods at commodities bilang top national concern.
“This is a significant drop of 10 percentage points from the 66% registered during the 3rd Quarter of 2024,” anang OCTA.
Kasunod nang inflation, 44% ng mga Pinoy ay concerned hinggil sa access sa abot-kayang pagkain, pagpapahusay o pagdaragdag ng sweldo (36%), pag-ahon sa kahirapan (34%) at paglikha ng trabaho (29%).
Para naman sa national concerns, sinabi ng OCTA na 56% ng adult Pinoy ay naniniwala na ang pagkontrol sa pagtaas ng presyo ng basic goods at services ang kanilang top concern. Ang naturang numero ay pagbaba mula sa 66% noong Agosto ng nakaraang taon.
Sa naturang ding survey, lumilitaw na ang mga Pinoy ay mas concerned sa access sa affordable food, matapos na tumaas ito ng limang puntos, o mula 39% hanggang 44%.
Ang alalahanin naman sa umento sa sahod ay bahagyang bumaba sa 36% mula sa dating 39% habang bumaba rin ng apat na puntos ang concerns sa paglikha ng trabaho na nasa 29% na lamang.
Anang OCTA Research, ang survey ay isinagawa mula Nobyembre 10-16, 2024, sa pamamagitan ng face-to-face interview sa may 1,200 respondents, na nagkakaedad ng 18-taong gulang pataas.
- Latest