Kabilang 2 heneral…
MANILA, Philippines — Sinampahan na ng Department of Justice-National Prosecution Service (DOJ-NPS) ng kaso ang 30 pulis, kabilang ang dalawang heneral sa planting of evidence at mishandling ng isang high-profile case kaugnay sa pagkakasamsam ng mahigit 900 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P6.7 bilyon sa Tondo, Maynila noong Oktubre 2022.
Sa resolusyon nito, sinabi ng DOJ prosecutors na nabigo ang mga opisyal na magsagawa ng legal na pag-aresto sa isang pulis na sinasabing sangkot sa drug trade at isa pang indibidwal na inakusahan ng drug trafficking.
Ang mga kaso na isinampa sa Manila Regional Trial Court Branch 175 ay paglabag sa Republic Act 9165 Comprehensive Dangerous Drugs Act laban kina Lieutenant General Benjamin Santos Jr., Brigadier General Narciso Domingo, at 28 iba pa.
Ito ay nag-ugat sa sinasabi ng pulisya na hot pursuit operation kay Police Master Sergeant Rodolfo Mayo noong Oktubre 9 at buy-bust operation kay Ney Atadero noong Okt. 8.