^

Police Metro

30 parak kinasuhan sa pagtanim ng ebidensya sa P6.7 bilyong shabu

Ludy Bermudo - Pang-masa
30 parak kinasuhan sa pagtanim ng ebidensya sa P6.7 bilyong shabu
Sa resolusyon nito, sinabi ng DOJ prosecutors na nabigo ang mga opisyal na magsagawa ng legal na pag-aresto sa isang pulis na sinasabing sangkot sa drug trade at isa pang indibidwal na inakusahan ng drug trafficking.
The STAR/Edd Gumban/File

Kabilang 2 heneral…

MANILA, Philippines — Sinampahan na ng Department of Justice-National Prosecution Service  (DOJ-NPS) ng kaso ang 30 pulis, kabilang ang dalawang heneral sa planting of evidence at mishandling ng isang high-profile case kaugnay sa pagkakasamsam ng mahigit 900 kilo ng shabu  na nagkakahalaga ng P6.7 bilyon sa Tondo, Maynila noong Oktubre 2022.

Sa resolusyon nito, sinabi ng DOJ prosecutors na nabigo ang mga opisyal na magsagawa ng legal na pag-aresto sa isang pulis na sinasabing sangkot sa drug trade at isa pang indibidwal na inakusahan ng drug trafficking.

Ang mga kaso na isinampa sa Manila Regional Trial Court Branch 175 ay paglabag sa Republic Act 9165 Comprehensive Dangerous Drugs Act laban kina Lieutenant General Benjamin Santos Jr., Brigadier General Narciso Domingo, at 28 iba pa.

Ito ay nag-ugat sa sinasabi ng pulisya na  hot pursuit operation kay Police Master Sergeant Rodolfo Mayo noong Oktubre 9 at buy-bust operation kay Ney Atadero noong Okt. 8.

DOJ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with