Socmed post sa ‘HIV-infected’ needles sa blood tests, peke – DOH

The Philippine National Police has also debunked this message, confirming that it is a scare tactic with no factual basis,” anang DOH.

MANILA, Philippines — Binalaan ng Department of Health (DOH) ang publiko laban sa pekeng  post sa social media ng isang miyembro ng Faculty of Medicina na nagbabahay-bahay para sa blood sugar test na ang mga karayom na ginagamit sa pag-iniksyon ay kontaminado umano ng human immunodeficiency virus (HIV).

“The Philippine National Police has also debunked this message, confirming that it is a scare tactic with no factual basis,” anang DOH.

Hinihimok ng DOH ang publiko na huwag i-share ang mga hindi na-verify na claim na maaa­ring magdulot ng hindi kinakailangang alarma.

Payo ng DOH sa publi­ko na kumuha lamang ng impormasyon mula sa mga lehitimong mapagkukunan at platform tulad ng DOH, na maaaring ma-access sa pamamagitan ng mga link at social media handle.

Show comments