MANILA, Philippines — Pinalawak ang apat na package benefits sa mga miyembro ng PhilHealth na may ischemic heart disease-acute myocardial infarction.
Ito ang ipinahayag ni Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) spokesperson at senior vice president Dr. Israel Francis Pargas, na ang dating benepisyo na P30,000 para sa mga nangangailangan ng angioplasty ay itinaas na sa mahigit P500,000.
Bukod pa ito sa cardiac rehabilitation na aabot sa P60,000 at fibrinolysis na higit sa P100,000.
Kabilang pa sa dagdag na benepisyo ang bayarin sa paggamit ng ambulance transfer para sa mga nangangailangan ng paglipat mula sa ospital na walang sapat na kakayahan para gamutin ang pasyente.
Tinanggal na rin ang dating polisiya ng “single period of confinement” kung saan limitado lamang ang benepisyo kung muling ma-confine ang pasyente sa parehong dahilan.
Tiniyak din ng PhilHealth na nagkakaroon na ng reconciliation sa mga government at private hospitals upang maresolba na matiyak na mabilis na nareresolba ang mga pagkakautang at patuloy na serbisyo para sa mga miyembro.