^

Police Metro

PhilHealth itinaas ang benepisyo ng mga pasyenteng may sakit sa puso

Ludy Bermudo - Pang-masa
PhilHealth itinaas ang benepisyo ng mga pasyenteng may sakit sa puso
Ito ang ipinahayag ni Philippine Health Insu­rance Corp. (PhilHealth) spokesperson at senior vice president Dr. Israel Francis Pargas, na ang dating benepisyo na P30,000 para sa mga nangangailangan ng angioplasty ay itinaas na sa mahigit P500,000.
Businessworld / File

MANILA, Philippines — Pinalawak ang apat na package benefits sa mga miyembro ng PhilHealth na may ischemic heart disease-acute myocardial infarction.

Ito ang ipinahayag ni Philippine Health Insu­rance Corp. (PhilHealth) spokesperson at senior vice president Dr. Israel Francis Pargas, na ang dating benepisyo na P30,000 para sa mga nangangailangan ng angioplasty ay itinaas na sa mahigit  P500,000.

Bukod pa ito sa cardiac­ rehabilitation na aabot sa P60,000 at fibrinolysis na higit sa P100,000.

Kabilang pa sa dagdag na benepisyo ang bayarin sa paggamit ng ambulance transfer para sa mga nanga­ngailangan ng paglipat mula sa ospital na walang sapat na kakayahan para gamutin ang pasyente.

Tinanggal na rin ang dating polisiya ng “single period of confinement” kung saan limitado lamang ang benepisyo kung mu­ling ma-confine ang pas­yente sa parehong dahilan.

Tiniyak din ng PhilHealth na nagkakaroon na ng reconciliation sa mga government at private hospitals upang  maresolba na matiyak na mabilis na nareresolba ang mga pagkakautang at patuloy na serbisyo para sa mga mi­yembro.

PHILHEALTH

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with