Isumbong ang mga gumagamit ng pekeng PWD ID – NCDA

MANILA, Philippines — Hinimok ng pamunuan ng National Council on Disability Affairs (NCDA), ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), ang publiko na isumbong ang indibidwal o grupo na nagbebenta at paggamit ng pekeng may disability (PWD) ID cards upang makakuha ng 20 percent discount at iba pang benepisyo alinsunod sa Republic Act (RA) 10754 o kilala bilang “An Act Expanding the Benefits and Privileges of Persons with Disability.

Ayon kay NCDA Executive Director Glenda Relova, kailangang maireklamo agad sa kanila ang mga nasa likod ng paglipana ng pekeng PWD IDs dahil apektado nito ang mga lehitimong miyembro ng sektor  na may kapansanan .

Anya ang reklamo ay maaaring ipadala sa email sa  council@ncda.gov.ph o sa NCDA social media pages hinggil sa nalalamang mga ilegal na pagbebenta ng fake PWD Ids.

Bukod sa NCDA maaari ring magreport sa tanggapan ng Persons with Disability Affairs Office (PDAO) na nasa local government units (LGUs) o sa otoridad.

Show comments