^

Police Metro

Isumbong ang mga gumagamit ng pekeng PWD ID – NCDA

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hinimok ng pamunuan ng National Council on Disability Affairs (NCDA), ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), ang publiko na isumbong ang indibidwal o grupo na nagbebenta at paggamit ng pekeng may disability (PWD) ID cards upang makakuha ng 20 percent discount at iba pang benepisyo alinsunod sa Republic Act (RA) 10754 o kilala bilang “An Act Expanding the Benefits and Privileges of Persons with Disability.

Ayon kay NCDA Executive Director Glenda Relova, kailangang maireklamo agad sa kanila ang mga nasa likod ng paglipana ng pekeng PWD IDs dahil apektado nito ang mga lehitimong miyembro ng sektor  na may kapansanan .

Anya ang reklamo ay maaaring ipadala sa email sa  [email protected] o sa NCDA social media pages hinggil sa nalalamang mga ilegal na pagbebenta ng fake PWD Ids.

Bukod sa NCDA maaari ring magreport sa tanggapan ng Persons with Disability Affairs Office (PDAO) na nasa local government units (LGUs) o sa otoridad.

PWD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with