^

Police Metro

Misis pinatay sa bugbog ng mister

Doris Franche-Borja - Pang-masa

Ipinalabas na nagbigti…

MANILA, Philippines — Namatay habang nilalapatan ng lunas sa ospital ang isang 36-anyos na ginang matapos gulpihin ng mister na unang pinalabas na nagbigti sa loob ng kanilang bahay sa Que­zon City.

Kinilala naman ang nasawing biktima na si alyas Madelaine, 36, habang inaresto at nakakulong na ang mister na si alyas Eleniel, 41, kapwa residente ng  Brgy. Commonwealth, Quezon City.

Sa naantalang report sa Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU), alas-4:00 ng hapon nitong Linggo nang dumating mula sa trabaho ang anak ng biktima na si Luis at nakitang nakahandusay sa sahig ang ina habang nire-revive ng kanyang ama.

Tinanong ni Luis ang ama kung ano ang nangyari at sumagot ang suspek na nagbigti umano ang kaniyang ina.

Isinugod pa ang biktima sa East Avenue Medical Center, ngunit kalaunan ay binawian din ng buhay bandang alas-10:16 ng gabi noong Enero 6.

Sa isinagawang imbestigasyon ng pulisya ay sinabi ng kapatid ng biktima na si alyas Rivera na hindi nagpakamatay ang kanyang ate sa halip ay namatay ito sa bugbog ng asawa.

Sa pagsusuri na isinagawa ng SOCO team na ang biktima ay nagtamo ng maraming pasa sa iba’t ibang bahagi ng katawan ngunit walang markang ligature sa kanyang leeg.

Inaalam pa ang dahilan kung bakit ginulpi ng suspek ang kanyang misis.

KRIMEN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with