^

Police Metro

Higit 8 milyong deboto dumagsa sa Traslacion 2025

Mer Layson, Doris Franche-Borja - Pang-masa
Higit 8 milyong deboto dumagsa sa Traslacion 2025
The image of Jesus Nazarene is now traversing Quezon Boulevard, as of 11:41 PM on Thursday, 19 hours passed since it left the Quirino Grandstand at 4:41 AM.
Photos/MPIO

Naging mapayapa…

MANILA, Philippines — Aabot sa mahigit 8 milyong deboto ang lumahok sa katatapos na Traslacion ng Poong Hesus Nazareno na inabot ng higit 20 oras bago tuluyang naibalik sa Quiapo Church.

Sa datos na inilabas ng Quiapo church officials, tinatayang aabot sa kabuuang 8,124,050 ang mga debotong nakiisa sa Pista ng Hesus Nazareno.

Nabatid na sa Quirino Grandstand pa lamang kung saan idinaos ang Pahalik at midnight mass ay nasa 1,290,590 na ang debotong naitala, 387,010 naman sa Central at 6,446,450 sa Quiapo Church.

Sa pagtaya naman ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), hanggang 1:29 ng madaling araw nitong Biyernes ay nakapagtala sila ng aabot sa 8,093,850 deboto na dumalo sa prusisyon na base sa naitalang datos mula sa tatlong lugar na kanilang minonitor.

Ayon sa mga otoridad, ang Traslacion 2025 ang isa sa maituturing na pinakamahabang prusisyon para sa Nazareno matapos abutin ng 20 oras, 45 minuto, at apat na segundo, bago maibalik sa Quiapo Church mula sa Quirino Grandstand.

Sinimulan ito ganap na alas-4:41 ng mada­ling araw ng Huwebes at nagtapos ganap na ala-1:26 ng madaling araw kahapon.

Samantala, iniulat ng Manila Police District (MPD) na naging mapayapa ang Traslacion 2025 na walang naita­lang malubhang pinsala o hindi kanais-nais na insidente.

HESUS NAZARENO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with