Solon nanawagan para sa moralidad ng mga uniformed personnel

The Bureau of Fire Protection holds a send-off ceremony for its nurses at the BFP headquarters in Quezon City.

MANILA, Philippines — Nagbigay nang paalala si Manila 2nd District Representative Rolando “CRV” M. Valeriano sa mga empleyado ng gobyerno, partikular na ang mga nasa hanay ng uniformed services, na panatilihin ang mataas na moralidad at igalang ang halaga ng pamilya.

Ang kanyang pahayag ay kaugnay ng kontrobersyal na kaso ng nagbitiw na Senior Fire Officer 2 Reyca Janisa Palpallatoc, na kasalukuyang iniimbestigahan ang lisensya bilang registered nurse (RN) dahil sa alegasyon ng imoralidad.

Lalo pang lumala ang kontrobersya laban kay Palpallatoc matapos siyang ipag-utos na arestuhin ng isang korte sa Pasay City dahil sa kasong illegal recruitment sa loob ng Bureau of Fire Protection (BFP).

Ang reklamo ng imo­ralidad laban kay Palpallatoc ay isinampa ni Gng. Faizah Utuali sa Professional Regulation Commission (PRC) Board of Nursing noong Disyembre hinggil sa pagkakaroon umano ng una ng extramarital affair sa asawa ng huli, na isang dating Marine Officer.

Show comments