Trabahong may mataas na sweldo sagot sa kahirapan at kagutuman sa Mindanao - Nograles
MANILA, Philippines — Itinuturing ni dating Civil Service Commission Chair Karlo Nograles na ang naitalang pagtaas sa ‘self-rated poverty’ at ‘food poverty’ sa Mindanao ay indikasyon sa pangangailangang magkaroon ng maayos, de-kalidad at nagbibigay ng mataas na sahod ng mga trabaho, kabilang ang para sa mga residente ng Davao City upang makatugon sila sa tumataas na arawang gastusin.
Pagbibigay-diin ni Nograles, ang pinakahuling Social Weather Stations (SWS) polls hinggil sa mga mamamayang itinuturing na mahirap ang kanilang sarili at nakararanas ng kagutuman partikular sa nasabing ay batay sa paniniwala ng marami na siya ay walang sapat na pangtustos para sa kanilang pangunahing pangangailangan, lalo na sa pagbili ng pagkain.
Base sa SWS polls, nitong nakaraang December 2024, ang Self-Rated Poverty ay pinakamataas sa Mindanao, na nasa 76%, kasunod ang Visayas sa 74%, habang sa Balance Luzon ay naitala ang 55%, at sa Metro Manila naman ay sa 51%.
Ang national rate naman ay nasa 63%, na mataas na 4 points mula sa 59% noong September 2024.Nakasaad din sa naturang survey na ang Self-Rated Food Poverty ay pinakamataas pa rin sa Mindanao sa 68%, sinundan ng Visayas sa 61%, Balance Luzon na nasa 42%, at Metro Manila sa 39%.
Naniniwala si Nograles na dapat pagtuunan ng pansin ng lungsod na magkaroon ng katuparan ang Southern Philippines Logistics Hub Project, kung saan tinitignan ang Davao bilang allternatibo sa Singapore.
- Latest