Bebot tiklo sa P6 milyong shabu

MANILA, Philippines — Naaresto ng mga otoridad ang isang babae nang makuhanan ng mahigit P6 milyong halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Quezon City, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang suspek na si alias Muharram, 24, ng Barangay Holy Spirit, Quezon City na nadakip,alas-5:30 ng madaling araw ng mga tauhan ng Batasan Police Station (PS-6) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Brgy. Banal na Espiritu.

Nabatid na isang pulis ang nagpanggap na buyer at bumili ng P90,000 halaga ng shabu sa suspek at nang matanggap ang pre-arranged signal ay agad na dinakip ang suspek at nakumpiska ang 900 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P6,120,000.00; cellular phone; dalawang pirasong gold Chinese tea bag at ang buy-bust money.

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa R.A. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Show comments