MANILA, Philippines — Umaabot na sa mahigit 29,000 barangay sa buong bansa ang drug free simula nang manungkulan si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr.
Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) 29,390 barangays o 69.97 porsiyento ng mga bilang ng barangay ang malinis na mula sa mga illegal drugs at sumailalim sa Barangay Drug Clearing Program (BDCP).
Idineklarang drug-cleared ng Regional Oversight Committee on Barangay Drug Clearing (ROCBDC) matapos ang masusing deliberasyon.
Sinabi ng PDEA na malaking tulong ang pagbibigay ng respeto sa bawat indibiduwal at ang pagpapatupad ng whole-of-nation approach upang tulungang masawata ang illegal drugs sa bansa.
Sa kabila nito, nasa 6,113 barangay pa sa buong bansa o 14.55 percent ang nananatili ang illegal drug operations.
Pursigido pa rin ang PDEA na tutukan at masawata ang illegal drugs sa mga apektadong barangay.
Umaasa ang PDEA na mawawala na ang mga illegal drugs sa bansa sa taong 2030 sa pakikipagtulungan ng mga barangay officials na nakakaalam at nakakakilala sa kanilang mga nasasakupan.