MANILA, Philippines — Iniutos ng Malacañang ang pagsuspinde ng 12 buwan laban kina Urdaneta City, Pangasinan Mayor Julio Parayno at Vice Mayor Jimmy Parayno.
Ito ang ipinalabas na kautusan ni Executive Secretary Lucas Bersamin matapos mapatunayang liable sa kasong grave misconduct at grave abuse of authority na naisampa ni Michael Brian Perez, punong barangay ng San Vicente Urdaneta City Pangasinan.
Sa ipinalabas na desisyon ni Bersamin nitong Enero 3, 2025 hinggil sa administrative complaint case No 22-K-090 na naisampa ni Perez noong October 28, 2022, napatunayan sa masusing pagbusisi sa kaso na liable ang dalawang Parayno sa naturang kaso.
Nang makarating sa DILG ang desisyon ni Bersamin at memorandum order ni Atty. Romeo Benetiz Undersectary for External, Legal and Legislative Affairs, agad namang ipinag-utos ni DILG Region 1 director Jonathan Paul Leusen Jr. sa mga Parayno na sundin ang utos ng Malacañang na tig-6 na buwang suspension sa dalawa o kabuuang 12 buwang suspension sa puwesto.
Magugunitang inabuso ng mga Parayno ang kanilang kapangyarihan nang suspendihin at patalsikin bilang Liga ng mga Barangay President si Perez at palitan bilang LNB President ng Office of the Mayor at Sangguniang Panlunsod na hindi naman nila sakop ito kundi ang may kapangyarihan na magdesisyon hinggil dito ay ang LNB Provincial Executive Board sa pamamagitan ng Provincial Liga Office.