Ginang todas sa kidlat
MANILA, Philippines — Isang 57-anyos na ginang ang nasawi matapos na aksidenteng tamaan ng kidlat sa kasagsagan ng thunderstorm sa Brgy. Don Salvador Benedicto, Pontevedra, Negros Occidental nitong Sabado.
Sa report na nakarating sa Negros Occidental Provincial Police Office (PPO), ang biktima na si Trinidad Baliguat, residente ng nasabing barangay sa bayang ito.
Sa salaysay ng pamangkin ng biktima sa pulisya, ang kaniyang tiyahin ay abala sa taniman ng asukal nang biglang bumuhos ang malakas na ulan dulot ng thunderstorm.
Kasunod nito ay isang malakas na kidlat na sumapol sa katawan ng nasabing ginang na agad nagkikisay sa insidente.
Nadiskubre naman ang bangkay ng biktima ng mga kasamahan nitong manggagawa sa tubuhan matapos ang isang oras.
- Latest