^

Police Metro

Enero 9, special holiday sa Maynila

Gemma Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Dahil sa pagdiriwang ng Pista ng Itim na Nazareno sa Quiapo, idineklara ng Palasyo ng Malacañang na special non-working holiday sa lungsod ng Maynila sa Enero 9, 2025.

Sa Proclamation No. 766 na nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin, sinabi nito na nais ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na maging maayos ang prusisyon ng mga deboto at maayos din ang daloy ng trapiko.

Maliban dito, nilinaw rin ni Bersamin na kahilingan din ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang suspensyon ng pasok.

“President Ferdinand Marcos Jr. made the declaration “in order to ensure orderly procession of devotees and to facilitate the flow of traffic”, and upon the request of the city government,” saad pa sa proclamasyon.

Simula Enero 1 ay iba’t ibang aktibidad ang itinakda para sa Pista ng Nazareno: kabilang dito ang Brgy visitatuons mula Enero 1 hanggang Enero 6. Magkakaroon din ng tradisyunal na pahalik mula Ebero 7 hanggang 9, habang ang overbight vigil at programa ay sisimulan sa gabi ng Enero 8 hanggang Enero 9 ng umaga.

Sa Enero 9 naman ay pangungunahan ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang gabing misa bago ang Translacion  na isang malaking prosisyon na dinadaluhan ng milyong deboto. Dadalhin ang centuries old ba imahe ni Hesus, Nazareno mula Quirino Grandstand pabalik sa Quiapo Church. -

QUIAPO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with