Kabilang sa mga ipapa-deport…
MANILA, Philippines — Kinumpirma ng Bureau of Immigration (BI) na patuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa iba pang mga ahensya para malaman ang lokasyon ng higit foreign 11,000 na mga Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) workers na karamihan ay Chinese na kabilang sa mga ipapa-deport pabalik ng China.
Ang 11,000 na ito ang bilang ng mga POGO workers na siyang bigo na maisumite ang pag-downgrade ng kanilang mga working visa at gawin itong tourist visa para tuluyan nang makaalis ng bansa bago ang December 31 ng nakaraang taon.
Ayon pa kay BI Spokesperson Dana Sandoval, ang kabuuang bilang lamang ng mga umalis noong Disyembre ay 22,609 na dapat sana ay papalo sa kabuuang bilang ng 33,863.
“The best way na sumuko sila kesa hanapin pa sila. Sumuko sila so they can be deported in a more quiet way. Ilalabas na lang sila, wala ng fanfare,” ani Sandoval.
Aminado naman din ang tagapagsalita na maaari silang mahirapan na matunton ang 11,000 foreign workers dahil ang ilan sa mga ito ay nagtatago na sa ngayon habang ang ilan naman ay maaaring bumuo at nagtayo na ng sarili nilang gaming operations.
Nobyembre ng nakalipas na taon nang magpalabas si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng Executive Order No. 74, na nag-ban sa operasyon ng mga POGO sa bansa.