MANILA, Philippines — Nakaamba ang panibagong oil price hike sa susunod na linggo ng 2025, alinsunod sa anunsyo ng oil industries.
Narito ang inaasahang pagtaas ng presyo ng gasolina, diesel, at kerosene: Gasoline: P0.40 - P0.70 per liter; Diesel: P0.75 - P1.00 per liter; Kerosene: P0.70 - P0.80 per liter.
Ayon sa ulat, umabot ng P12.75 per liter ang kabuuang itinaas ng presyo ng gasolina noong 2024 habang pumalo naman ng P11.00 per liter sa diesel.
Nilinaw din ng Department of Energy (DOE) Oil Industry Management Bureau (OIMB) na nananatili pa rin umanong nakaapekto ang geopolitical risks sa pandaigdigang merkado ng presyo ng langis at gasolina. Tuwing Martes ipinatutupad ang oil price adjustment.