^

Police Metro

BFP official na nahaharap sa patung-patong na kaso, nagbitiw

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Tuluyan nang nagbitiw sa Bureau of Fire Protection (BFP) si ­Senior Fire Officer 2 (SFO2) Reyca Janisa Palpallatoc, dahil umano sa patung-patong na kaso at kinasasangkutang kontrobersiya.

Ayon sa mapagkakatiwalaang source mula sa BFP, ipinaalam ni Palpallatoc kay Fire Chief Superintendent Jesus Fernandez na ang kanyang pagbibitiw ay “irrevocable” o hindi na mababawi at sinabi niyang ang desisyon ay dulot ng “mga mahalagang kaganapan sa kanyang buhay.”Inaprubahan ni Fernandez ang pagbibitiw noong Disyembre 27, 2024.

Subalit, ang pagbibitiw umano ay iti­nuturing ng kanyang mga katrabaho na paraan upang makaiwas sa pananagutan sa mga seryosong kasong kriminal atadministratibo na kinasasangkutan ng kanyang pangalan.

Ang pagbibitiw ni Palpallatoc ay kasabay ng paglabas ng isang warrant of arrest mula sa Pasay City court kaugnay ng mga kasong illegal recruitment.

Inaakusahan siyang nanloko ng mga nag­hahanap ng trabaho at nanghihingi ng malaking halaga ng pera kapalit ng mga huwad na pangako ng trabaho sa BFP.

Nahaharap din ito sa isang hiwalay na eskandalo na may kinalaman sa moralidad at propesyon.

Nabatid na si Gng. Faiza Utuali, asawa ng isang natanggal na opisyal ng Marine, ay naghain ng reklamo sa Professional Regulation Commission (PRC) Board of Nursing upang ipawalang-bisa ang lisensya ni Palpallatoc bilang isang nurse. Nagkaroon aniya ng ‘illicit affair’ si Palpallatoc sa kanyang mister na dating Marine.

BFP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with