College student tinamaan ng ligaw na bala sa noo, utas
MANILA, Philippines — Humingi ng katarungan ang pamilya ng 19-anyos na si Jade Sumambot, 2nd year college student, dahil sa trahedyang sinapit nito nang tamaan ng ligaw na bala sa kasagsagan ng pagsalubong sa Bagong Taon.
Ang biktima na residente ng Barangay New Visayas, Panabo City, ay tinamaan ng ligaw na bala sa noo habang nasa labas umano ng bahay para salubungin ang pagpasok ng Bagong Taon.
Agad itong dinala sa ospital, subalit binawian ng buhay nitong Enero 2.
Ayon kay Col. Alex Serrano, Provincial Commander ng Davao del Norte Police, na pumayag ang pamilya na isailalim sa otopsiya dahil nakabaon pa sa noo ni Sumambot ang bala na isang vital evidence upang malaman kung anong klaseng baril ang ginamit at sino ang may-ari ng nasabing baril.
Ang nasabing insidente ay naging dahilan ng publiko sa lugar at humihingi ng katarungan sa pagkamatay ni Jade at hiniling na ipatupad ang gun control measures at accountability.
Patuloy ang pagsasagawa ng pulisya ng track down sa shooter at hiniling sa mga nakasaksi na lumabas at magbigay ng impormasyon sa pulisya. v
- Latest