^

Police Metro

DSWD: Halos 5 milyon near-poor Pinoys, nakinabang sa AKAP noong 2024

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines — Halos limang milyong near-poor Filipinos ang nakinabang mula sa Ayuda para sa Kapos ang Kita Program (AKAP) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), sa unang taon ng implementasyon nito, mula Enero hanggang Disyembre 2024.

“The AKAP program has demonstrated strong impact with Php26.157 billion in funds, or 99.31 percent utilization rate, from the total Php26.7 billion budget allocation for 2024,” ayon kay DSWD Assistant Secretary Irene Dumlao kahapon.

Binigyang-diin din ni House Committee on Appropriations Chairperson Zaldy Co ang tagumpay at integridad ng programa. Hinamon din ni Cong. Co ang mga kritiko na pagnilayan ang mga nakalipas na kabiguan at binigyang-diin ang pangangailangan ng hustisya para sa mga naapektuhan ng mga naging lapses ng dating pamahalaan.

Nabatid na ang AKAP funds ay inilaan sa buong bansa, kung saan halos lahat ng rehiyon ay nagkamit ng mahigit 99% ng fund obligations habang ang Cagayan Valley (Region 2), Davao Region (Region 11), at Caraga (Region 13) ay nakapagpaskil ng 100 percent utilization.

Sa ilalim ng programa, pinagkakalooban ng cash assistance na P5,000 ang mga eligible beneficiaries, partikular ang mga pamilya, na ang sahod ay mas mababa sa poverty threshold. Sinasaklaw ng suporta ang mga panga­ngailangang medikal, libing, pagkain, at tulong sa pera sa pamamagitan ng Crisis Intervention Units at Satellite Offices ng DSWD sa buong bansa.

Tiniyak naman ni DSWD Secretary Rex Gatchalian sa publiko na protektado ang AKAP mula sa politika at binalewala ang mga pahayag na ang P26 bilyong budget para rito ay gagamitin sa pamimili ng boto para sa 2025 midterm elections.

AKAP

DSWD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with