^

Police Metro

PDL utas, 2 sugatan sa pananaksak sa Bilibid

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang person deprived of liberty (PDL) ang nasawi habang dalawa ang nasugatan sa insidente nang pananaksak sa maxi­mum security compound ng New Bilibid Prison (NBP), kahapon ng umaga.

Ito ang kinumpirma ni NBP Acting Superintendent Corrections Chief Inspector Roger Boncales na nangyari ang insidente alas-7:15 ng umaga sa Gate 1-A, Quadrant 4 ng Maximum Security Camp.

Pansamantalang hindi muna ibinunyag ang ­pangalan ng mga biktima hangga’t hindi pa nakakarating sa mga pamilya at kaanak ang naganap na krimen.

Agad namang inatasan ang lahat ng superintendent ng operating prison at penal farms sa bansa na magsagawa ng mga hakbang sa pag-iingat upang matiyak na walang gantihang maaaring maganap sa kani-kanilang mga nasasakupan kasunod ng insidente ng pananaksak.

NEW BILIBID PRISON

PDL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with