^

Police Metro

Magbayaw niratrat, 1 patay

Cristina Timbang, Ed Amoroso - Pang-masa

Habang sinasalubong ang Bagong Taon

MANILA, Philippines — Namatay noon din ang isang 42-anyos na lalaki habang kritikal ang bayaw nito matapos pagbabarilin ng tatlong lalaki habang sinasalubong ang Bagong Taon sa tapat ng kanilang bahay kahapon ng mada­ling araw sa Brgy. H2, Dasmariñas City, Cavite.

Kinilala ang nasawi na si alyas Johnny, habang  ino­obserbahan ang bayaw nito na si alyas Christoper, 32, na kapwa nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan.

Sa imbestigasyon ng pulisya, ala-1:00 ng madaling araw nang maganap ang pamamaril sa Interfashion Brgy. H2, Dasmariñas City kung saan nagdiriwang ng pagsalubong ng Bagong Taon ang magbayaw sa tapat ng kanilang bahay.

Masayang nagpapa­putok ang mga ito nang dumating ang tatlong kalalakihan at isa sa mga ito ay armado ng .38 caliber revolver at pinagbabaril ang mga biktima.

Kapwa nagtamo ng mga tama ng bala ang dalawa kung saan nakatakbo pa ang biktimang si Christopher at hu­mingi ng tulong habang namatay noon din si ­Johnny.

DEAD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with