MANILA, Philippines — Nagpaabot ng pakikiramay si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pamilya ng yumaong si dating United States President Jimmy Carter na pumanaw sa edad na 100 sa Plains, Georgia.
“Jimmy Carter, former president of the United States was a humanitarian who practiced what he preached : Houses for the homeless and human rights for the oppressed,” pahayag pa ng Pangulo.
Ayon pa kay Marcos na hindi maikakaila na isa si Carter sa nagsulong ng kapayapaan sa mga lugar na may giyera.
“These are universal values he fought for which are embraced by people everywhere, including Filipinos, as the cornerstone of a better, kinder society they deserve to live in,” dagdag ng Pangulo.
Si Carter ang ika-39 na Presidente ng Amerika at nanungkulan noong 1977 hanggang 1981 at ginawaran siya ng Nobel Peace Prize dahil sa kanyang humanitarian work.