P5.2 bilyong budget idinagdag sa Office of the President

MANILA, Philippines — Nadagdagan ang pondo ng Office of the President (OP) mula sa original budget request para sa 2025 national budget.

Sinabi ni Executive Secretary Lucas Bersamin na inihabol nila sa National Expenditure Program ang P5.2 billion na pondo para tustusan ang pagho-host ng Pilipinas ng 2026 Association of Southeast Asian Nation (ASEAN) Summit.

Malaki aniya ang magagastos sa pagdaraos ng ASEAN at dalawang taon ang gagawing paghahanda kaya kailangang simulan ang preparasyon para dito.

Sa ilalim ng NEP, humiling ang Office of the President ng P10,506,201 trillion para sa kanilang budget sa susunod na taon, mas mababa ng 1,88% budget sa kasalukuyang taon.

Sinabi ni Bersamin na ang bansang Myanmar ang nakatakdang mag-host ng ASEAN 2025 subalit maraming heads of state ang nag-aalangan na magtungo sa nabanggit na bansa dahil sa hindi pa rin maayos na sitwasyon sa ngayon, at ang Pilipinas na ang susunod pagkatapos ng Myanmar kaya dapat ngayon pa lamang ay makapag­simula na ng paghahanda.

Show comments