2 lalaki todas sa pamamaril
MANILA, Philippines — Dalawang lalaki ang nasawi sa magkahiwalay na insidente nang pamamaril sa Dasmariñas City at Gen. Trias City Cavite, kamakalawa.
Ang unang insidente ay naganap, alas-12:30 kamakalawa ng hapon ng Brgy. San Esteban, kung saan binaril sa ulo habang nakatambay ang biktima na si alyas Norman, nasa hustong gulang, residente ng nasabing lugar.
Matapos ang pamamaril ay naglakad lamang ang suspek na tila walang nangyari.
Ang ikalawang insidente, ay naganap alas-11:45 ng gabi habang naglalaro sa kaniyang cellphone ang biktimang si alyas Jerome sa harapan ng isang sari-sari store sa may Tropical Village, Pabahay 2000 Sec E, Barangay San Francisco, Gen. Trias City, Cavite nang lapitan ng isang suspek at malapitang binaril sa dibdib bago mabilis na tumakas.
Kasalukuyan ng nagsasagawa ng follow-up ang mga pulisya at ng mga backtracking at mga kuha ng closed circuit television (CCTV) para sa pagkakakilanlan ng mga suspek.
- Latest