Higit 38K pasahero, dumagsa sa mga pantalan
MANILA, Philippines — Bago ang pagsalubong sa Bagong Taon ay nasa 38,089 pasahero ang dumagsa mga pantalan sa buong bansa nitong Lunes.
Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), ang nasabing bilang ng mga pasahero ay naitala nila nitong Disyembre 30, mula alas-12:00 ng hatinggabi hanggang alas-6:00 ng umaga lamang na kung saan ay 19,488 ang outbound passengers habang 18,601 naman ang inbound passengers.
Nag-deploy din ang PCG ng 2,394 frontline personnel sa 16 ng kanilang mga distrito at nakapag-inspeksiyon na rin umano sila ng 185 vessels at 46 motor bancas.
Ayon sa PCG, ang pagsasagawa ng inspeksiyon at monitoring ay bahagi ng kanilang pagsusumikap na maging maayos at ligtas ang pagbiyahe ng mga pasahero sa mga pantalan sa buong bansa.
Una nang isinailalim ng PCG ang lahat ng kanilang distrito, istasyon at sub-stations sa heightened alert hanggang sa Enero 3, 2025.
- Latest