15 kaso ng indiscriminate firing naitala
Bago sumapit ang Bagong Taon
MANILA, Philippines — Naitala ng Philippine National Police (PNP) dalawang araw bago ang pagsalubong sa Bagong Taon ang 15 kaso ng indiscriminate firing.
Sa pinakahuling datos ng PNP, apat ang sugatan dahil sa indiscriminate firing habang isa ang sugatan dulot ng stray bullet.
Anim na kaso rin ng indiscriminate firing ang naitala sa Calabarzon, sinundan ng NCR, apat at Central Visayas, dalawa.
Habang ang Zamboanga Peninsula, Davao Region, at Cordillera Administrative Region ay may tig 1 kaso.
Pitong sibilyan, isang pulis, security guard at tauhan ng Bureau of Corrections (BuCor) ang inaresto dahil sa indiscriminate firing.
Paalala ng PNP sa mga pulis na maging responsable sa paghawak ng kanilang baril habang sinasalubong ang Taong 2025.
- Latest