P30 milyong marijuana nasabat sa 2 balikbayan box

Anti-narcotics agents examine the contents of two balikbayan boxes turned over to the Philippine National Police Drug Enforcement Group’s National Capital Region field office at Camp Bagong Diwa in Taguig City over the weekend. Authorities found 20 kilos of marijuana, valued at P30 million, packed in 40 heat-sealed plastic sachets and concealed beneath canned goods, rice and clothes. An investigation is ongoing to determine the identities of the people behind the boxes and their intended recipients after interception at a freight forwarding service’s warehouse in Marikina City.
COURTESY OF PDEG-NCR

MANILA, Philippines — Tinatayang aabot sa P30 milyong halaga ng marijuana ang nadiskubre ng mga otoridad sa dalawang balikbayan box sa Taguig City na ipinadala mula Ontario, Canada.

Batay sa report na tinanggap ni PNP-DEG Director PBGen Eleazar Pepito Matta, Disyembre 27 nang tumawag ang dala­wang warehouse manager ng UMAC Forwar­ders Express, Inc., hinggil sa kahina-hina­lang package.

Katuwang ang Fo­reign Liaison Division (IFLD), at PDEA NCR-SDO, dinala ng PNP-DEG Special Operations Unit–National Capital Region (SOU-NCR), ang dalawang package sa kanilang tanggapan sa Camp Bagong Diwa, Taguig City.

Ininspeksyon ang dalawang kahon mula sa kinatawan ng media, barangay officials, at narcotic detection dog team.

Dito na tumambad ang nasa 40 heat-sealed transparent plastic sachets na tumitimbang ng 20,000 gramo ng Kush marijuana na itinago sa loob ng mga kahon.

Ang mga nasabing kontrabando ay napapaibabawan ng canned goods, bigas at mga damit nang inspeksiyunin ng mga otoridad.

Naniniwala ang mga otoridad na sinamantala ng sender ang Christmas rush para makapagpuslit ng illegal na droga sa bansa.

Ang mga kahon ay naka-address sa hindi tinukoy na recipient mula Bulacan.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng PDEG sa insidente.

Show comments