Pamilya ng mga PDL sa NBP nagpasaklolo kay Cong. Tulfo
MANILA, Philippines — Idinulog ng ilang pamilya ng Persons Deprived of Liberty (PDL) sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa City kay ACT-CIS Cong. Erwin Tulfo upang ireklamo ang umano’y sobra-sobrang pananatili na ng kanilang kaanak na PDL sa New Bilibid Prison kahit tapos na bunuin ang kanilang sentensiya.
Ayon sa grupong Aid-Dalaw Nationwide International Movement (AIM), may 10,000 PDL sa NBP ang dapat laya na subalit patuloy na naghihimas ng rehas.
“Ang reklamo nila tila hindi agad nare-review ang mga papel ng PDL na dapat ay lumaya na”, wika ni Tulfo.
Idinagdag pa ni Tulfo, problema rin umano ay natetengga ang pagpirma ng release form ng PDL at hindi agad napipirmahan dahil sa dami na dapat ay lumaya na rin.
Isang ginang ng AIM ang nagsabi kay Tuflo na ang asawa niya ay nasentensyahan ng walong taong pagkakakulong sa kasong homicide, subalit 10 taon na ang kanyang mister sa kulungan.
“Kung mapapalaya lang ang 10,000 na overstaying na PDL sa NBP, tiyak luluwag ang ating BuCor”.
Nangako si Tuflo na iimbestigahan kung saan talaga ang problema para maayos na ang isyung ito.
- Latest