^

Police Metro

AKAP program ipinagtanggol ng beneficiaries at vloggers

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Ipinagtanggol ng ilang benepisyaryo ng Ayuda para sa Kapos ang Kita Program o AKAP, kabilang ang ilang kilalang vloggers, laban sa pagkontra ng ilan sa naturang programa.

Ayon sa ilang na-interview na mga AKAP beneficiaries na lumabas sa ilang vlog, malaking naitulong daw nito sa kanilang pamilya.

Sa vlog ng sikat na social media personality na si Nico David, sinabi nito na gaya sa ibang bansa ang AKAP ay kahalintulad ng program sa abroad para sa mga below minimum wage earners. “Dapat hindi ito kontrabersyal dahil tulong ito ng pamahalaan sa kapos ang income”, dagdag pa ni Nico David.

“Kailangan ng mga kababayan ang AKAP”. “Pandagdag kita para sa kanilang munting kinikita…anong masama doon?”, dagdag naman ni Facebook personality na si Silver Voice.

Para naman sa vlog ng models of Manila sinabi nito na hindi masama ang pagbigay ng AKAP sa mga tao. “Pera po ng taumbayan ‘yan kaya nararapat lamang na ibalik sa kanila tulad nitong AKAP”.

Matatandaang kinwestiyun ni dating Supreme Court Justice Antonio Carpio ang AKAP dahil ito na raw ang “pork barrel” ng mga mambabatas ngayon.

Agad namang pinasinungalingan ito ni DSWD Sec. Rex Gatchalian kasabay ang sabi na hindi naman na hahawakan ng mga mambabatas ang AKAP dahil mga DSWD personnel ang namamahagi nito sa mga tao.

AKAP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with