Higit 12,000 pulis idedeploy sa Traslacion 2025

Ayon kay Philippine National Police-Public Informstion Office (PNP-PIO) chief PBrig. Gen. Jean Fajardo, kailangan na masiguro ang kaligtasan ng lahat na dadalo sa kapistahan partikular ng mga deboto.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Nasa mahigit 12,000 na pulis ang ipakakalat sa Traslacion o Kapistahan ng Poong itim na Nazareno sa Enero 9, 2025.

Ayon kay Philippine National Police-Public Informstion Office (PNP-PIO) chief PBrig. Gen. Jean Fajardo, kailangan na masiguro ang kaligtasan ng lahat na dadalo sa kapistahan partikular ng mga deboto.

Matatandaang isinagawa nitong Biyernes ang final walkthrough sa ruta ng Traslacion 2025 kung saan partikular na ininspeksyon at tiningnan ng mga tauhan ng Manila Police District kung ­naalis na ang mga sagabal sa ruta ng prusisyon upang matiyak ang kaligtasan at seguridad ng mga deboto.

Apela rin ng PNP sa publiko na iwasan gumawa ng anumang karahasan gulo upang maipag­diwang ang Traslacion nang maayos.

Maaalalang, umabot ng halos 3 milyon deboto ang dumalo sa Tras­lacion 2024 na tuma­gal ng 15 oras.

Show comments