Higit 100 nakumpiska, 55 minors arestado

MANILA, Philippines — Operation kontra ‘boga’ sa Cavite: Dinakip ng mga awtoridad ang nasa 55 menor-de-edad dahil sa ilegal na pagpapaputok gamit ang kontrobersyal na “boga” sa ikinasang 24-oras na “Operasyon kontra Boga” sa Cavite kamakalawa.

Umabot sa mahigit 100 piraso ng boga ang nakumpiska ng pulisya sa may 9 na bayan ng lalawigan sa loob lamang ng isang araw na operasyon.

Ginalugad ng Cavite Police ang lalawigan ng Cavite kung saan 55 na pawang menor-de-edad ang naaaktuhan na nagpapaputok gamit ang boga na gawa sa PVC tube o pipe.

Edad 7 hanggang sa 15 ang mga nahuli ng mga awtoridad na kasaluku­yang nasa pangangalaga na ng Municipal Social and Welfare Offcie at Department of Social Welfare and Development  sa mga bayan ng Silang, Amadeo, Noveleta, Naic, Magallanes, Gen Aguinaldo, Mendez , Rosario at lungsod ng Tagaytay.

Nakipag-coordinate na rin ang pulisya, MSWD at DSWD sa mga magulang ng mga naarestong mga bata para sa kaukulang parusa na kakaharapin ng mga ito.

Show comments