MANILA, Philippines — Inilipat na sa isang regular dorm sa Reception and Diagnostic Center (RDC) sa Correctional institution for Women (CIW) si Mary Jane Veloso matapos ang limang araw na quarantine.
Ayon sa Bureau of Corrections (BuCor) si Veloso ay inilipat sa regular dorm kamakalawa, kung saan makakasama niya ang nasa 30-newly-received persons deprived of liberty (PDLs) at mananatili sa loob ng 55-araw at sasailalim sa mandatory orientation, diagnostics, at classification.
Matatandaang matapos ang mahigit isang dekadang pagkabilanggo ay pinahintutan ng Indonesian government na maiuwi sa Pilipinas si Veloso upang dito na ituloy ang pagsisilbi sa kanyang sentensiya sa kasong may kinalaman sa ilegal na droga.
Umaapela naman ang pamilya ni Veloso at iba’t ibang sektor kay Pang. Marcos na mabigyan ito ng clemency upang tuluyan nang makalaya.