^

Police Metro

2 motor nagsalpukan: 1 todas

Cristina Timbang - Pang-masa

MANILA, Philippines — Idineklarang dead on arrival sa ospital ang isang 26-anyos na rider matapos sumalpok sa kasalubong na motorsiklo sa kahabaan ng Brgy. Iba, Silang, Cavite, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang nasawing biktima na si Marc Jandel Balsamo,chef,residente ng Brgy.Munting Ilog, Silang, Cavite.

Kasalukuyan namang inoobserbahan sa ospital ang nakasalpukan nito na kinilala sa alyas John, 22, mekaniko, residente ng Brgy. Sabutan, Silang, Cavite.

Sa report ng pulisya, bago naganap ang aksidente, ala-1:35 ng madaling araw sa Sitio Kite, Brgy. Iba, Silang, Cavite ay sakay ang biktima ng kaniyang Yamaha Mio na kulay itim (6022 TK) at papauwi na sana galing ng Silang Town Proper nang makasalpok ang kasalubong na Honda Wave, na pula na walang plate number na minamaneho ni John.

Kapwa tumilpon ang dalawa kung saan napuruhan ng husto ang ulo ni Balsamo at hindi na umabot ng buhay sa ospital.

AKSIDENTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with