^

Police Metro

Kalansay ng mga salvage victims, nahukay nitong Pasko

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nagulat ang mga tauhan ng Philippine National Police Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) nang matagpuan ang kalansay ng mga tao sa Barangay Baluntay, Alabel, Sarangani Province mismong araw ng Pasko.

Ayon sa PNP-CIDG, nakatanggap sila ng tip na may mga salvage victims na inilibing sa lugar kaya agad na kumuha ng dokumento mula sa korte.

Agad na nagsagawa ng exhumation sa pinaniniwalaang burial site ang PNP CIDG kasama ang forensic experts at tumambad sa mga ito ang mga kalansay ng tao.

Sinabi ni CIDG chief Police Brigadier General Nicolas Torre III, na ayon sa saksing si “Dodong”, isa sa mga kalansay ay si “Jomar” ng Polomolok, South Cotabato, na tatlong buwan nang nawawala.

Sasailalim naman sa kumpirmasyon ng forensic analysis ang mga natagpuang mga kalansay.

Patuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga otoridad kasabay ng pagtitiyak na nanatili ang peace and order sa lalawigan.

AMBUSH

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with