13-anyos na babae, ni-rape matapos mangaroling
MANILA, Philippines — Kalunus-lunos ang sinapit ng 13-anyos na dalagita sa kamay ng dalawang suspek matapos siyang halayin habang pauwi matapos mangaroling sa Lingayen, Pangasinan, naganap nitong bisperas ng Pasko.
Ayon sa kay PLTCol. Amor Mio Somine ng Lingayen PNP, nangyari ang insidente noong Disyembre 24, alas-10:00 ng gabi matapos mangaroling ng dalagita.
Sa imbestigasyon ng pulisya, habang pauwi umano ang dalagita nang alukin ng dalawang lalaking lulan ng motorsiklo na ihahatid siya pauwi ng kanilang bahay.
Sumama naman ang dalagita ngunit sa halip ihatid sa bahay ay dinala siya ng mga suspek sa baywalk at doon ginahasa.
Lumalabas sa imbestigasyon na ginahasa umano ng 18-anyos na rider ang biktima, at susunod pa sana ang kasama niya ngunit may biglang tumawag dito dahilan para ihatid na ang biktima sa bahay nito.
Pinagbantaan pa umano ng mga suspek ang dalagita na sasaktan kapag nagsumbong.
Kinilala ng pulisya ang suspek na bilang si “Roniel,” residente ng nasabing lugar, at kasalukuyan umanong pinaghahanap maging ang kasama nito.
Batay sa resulta ng medical examination sa dalagita ay positibong nahalay ito.
- Latest