^

Police Metro

Mga kasambahay sa NCR at Northern Mindanao, may dagdag-sahod sa Enero

Mer Layson - Pang-masa
Mga kasambahay sa NCR at Northern Mindanao, may dagdag-sahod sa Enero
Ito ang inanunsiyo kahapon ng Department of Labor and Employment (DOLE) matapos na aprubahan ng National Wages and Productivity Commission (NWPC) ang Wage Order No. NCR-DW-05 na inisyu ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) para sa NCR na nagpapahintulot sa P500 monthly increase para sa mga kasambahay sa rehiyon.
AFP

MANILA, Philippines — Makakatanggap ng umento sa kanilang buwanang sahod sa Enero ang mga kasambahay sa National Capital Region (NCR) at Northern Min­danao.

Ito ang inanunsiyo kahapon ng Department of Labor and Employment (DOLE) matapos na aprubahan ng National Wages and Productivity Commission (NWPC) ang Wage Order No. NCR-DW-05 na inisyu ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) para sa NCR na nagpapahintulot sa P500 monthly increase para sa mga kasambahay sa rehiyon.

Anang DOLE, dahil sa naturang umento, ang monthly minimum wage ng naturang sektor sa rehiyon ay magiging P7,000 na.

Kinatigan rin naman ng NWPC ang wage order na inisyu ng RTWPB Region X, na nag-aapruba sa P1,000 increase para sa mga kasambahay sa rehiyon, sanhi upang maging P6,000 na ang kanilang matatanggap na monthly minimum wage.

Samantala, ang P23 hike naman para sa minimum wage sa non-agriculture sector, at P35 para sa agriculture sector ay nakatakdang i-release sa dalawang tranches, ay aprubado na rin ng RTWPB.

Ayon sa DOLE, sa sandaling tuluyan nang maipatupad, ang minimum wage rates sa Northern Mindanao ay tataas na mula P446 at naging P461.

KASAMBAHAY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with