30 pamilya sa Tondo, nasunugan sa Araw ng Pasko

MANILA, Philippines — Tatlumpung pamilya ang nawalan ng tirahan sa mismong araw ng Pasko dahil sa sunog sa Tondo, Maynila.

Ang masaya sanang pagdiriwang ng Pasko ng mga residente ng Pilapil Street sa Tondo, Maynila ay napatigil pasado alas-9:00 ng gabi ng Miyerkules.

Isang senior citizen na si Rogelio Minguez, ang muntik pa umanong ma-suffocate sa loob ng kanilang bahay kung saan mismo nagsimula ang sunog.

“Nagising ako umuusok na...Ginawa namin, pumunta kami kila kagawad, dun kami tumalon, tapos dun kami umano sa ano, nasugatan pa ko oh,” sabi ni Mang Rogelio.

Ang iba sa mga nasu­nugan ay walang naisalba na kahit anong gamit.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), hindi sila gaanong nahirapan sa pag-apula sa apoy na umabot lamang sa unang alarma.

Malaking bagay din daw na marami pang tao sa labas nang maganap ang sunog.

Ayon naman sa barangay, aabot sa tatlumpung pamilya ang nawalan ng tirahan kasunod ng nangyari.Mananatili muna ang mga residente sa co­vered court ng barangay.

Patuloy naman na iniimbestigahan ng BFP kung ano ang pinagmulan ng apoy.

Show comments