Miyembro ng Mustafa criminal group tiklo sa rape

MANILA, Philippines — Inaresto ng mga otoridad sa kasong rape ang isang miyembro ng Mustafa Criminal group sa Pasay City, kahapon.

Isinilbi ang warrant of arrest na inisyu ni Judge Jehan Batua-Sampao-Hassiman ng Family Court Branch 11, Pasay City laban kay alyas “Nelson”, 40, obrero sa operasyon ng pinagsanib na pwersa ng Pasay City Police Sub-station 3, Subpoena Section at Station Intelligence Section sa Welcome Plaza, Barangay 93.

Sa ulat, ang warrant ay kaugnay sa kasong  rape (Violation of Art. 266-A (i) in Relation to Art. 266-B of the Revised Penal Code).

Ang pag-aresto kay alyas Nelson ay isang makabuluhang hakbang sa pagtugon sa patuloy na banta na dulot ng grupong Mustafa.

Show comments