NHA, namahagi ng CELA sa 382 benepisyaryo sa Bulacan

MANILA, Philippines — Namahagi ang National Housing Authority (NHA) ng Certificates of Eligibility for Lot Allocation (CELA)sa 382 qualified beneficia­ries para sa siyam na housing sites sa San Jose del Monte, Bulacan.

Sa patnubay ni NHA General Manager Joeben Tai, pinangunahan ni Assistant General Manager Alvin Feliciano at Region III Manager Minerva Calantuan ang pamamahagi ng CELA sa mga benepisyaryo sa lungsod.

Ayon kay AGM Feliciano, patuloy ang dedikasyon ng pamahalaan, na baguhin ang pamumuhay ng mga mamamayan sa pamamagitan ng mga programa sa pabahay.

Nakibahagi rin sa naturang kaganapan sina San Jose del Monte Mayor Alfred Robes at San Jose del Monte Lone District Representative Florida Robes, na nagpahayag ng pasasalamat sa NHA dahil sa mga pagsisikap nitong makatulong sa mga benepisyaryo.

Show comments