MANILA, Philippines — Namataan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang 12 Chinese vessels sa karagatan ng Bajo de Masinloc (Scarborough Shoal) sa West Philippine Sea.
Sinabi ng PCG ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) patrol aircraft ay nagsagawa ng aerial surveillance ng maritime situation nang makita ang dalawang barko ng China Coast Guard (3106 at 3104) na nakaposisyon sa labas ng Bajo De Masinloc, kasama ang pitong sasakyang pandagat ng Chinese maritime militia sa nakapalibot na tubig.
Dalawang barko ng Chinese maritime militia ang naobserbahang naka-station sa loob ng shoal, na sinusubaybayan ang mga access route ruta ng sa lugar.
Bukod pa rito, isang sasakyang-dagat ng People’s Liberation Army Navy (PLAN), bow number 552, ang iniulat na humigit-kumulang 50 nautical miles sa baybayin ng Zambales.
Sa patrol operation, sinabi ng PCG na ang BRP Teresa Magbanua at BRP Cabra, ay namahagi ng mga food package at groceries sa mga mangingisdang Pilipino na nangingisda sa lugar nang naobserbahang nagsasagawa ng mga aktibidad ang mga Chinese vessel.