Alice Guo, magpa-Pasko sa piitan

Alice Leal Guo (C), former mayor of Bamban in Philippine's Tarlac province accused of human trafficking and links to Chinese organized crime, is escorted to a press conference in Manila on September 6, 2024, after being deported following her arrest in Indonesia on September 3. Alice Leal Guo, a former mayor of a town north of the capital Manila, has been on the run since she was linked to a Chinese-run online gambling centre where hundreds of people were forced to run scams or risk torture.
AFP / Jam Sta Rosa

MANILA, Philippines — Magpa-Pasko na sa female dormitory ng Pasig City Jail si dismissed Bamban Mayor Alice Guo matapos na ibasura ng mababang hukuman ang hiling niyang makapagpiyansa.

Sa desisyong inilabas ng Pasig City Regional Trial Court (RTC) Branch 167, nabatid na ibinasura nito ang petition for bail na inihain ni Guo kaugnay ng kanyang kinakaharap na kasong qualified human trafficking bunsod ng malakas na ebidensiya laban sa kanya at kanyang mga kapwa akusado sa kaso.

“The Petitions for Bail filed by accused Alice Leal Guo, Rita Sapnu Yturralde, Rowena Gonzales Evangelista, Thelma Barrogo Laranan, Merlie Joy Manalo Castro, Rachelle Joan Malonzo Carreon, and Jaimielyn Santos Cruz are denied conside­ring that the evidence presented by the prosecution against them during the bail hearing is strong,” bahagi ng desisyon.

Pinaboran naman ng hukuman ang petisyong makapagpiyansa ng ­dalawa pang akusado sa kaso na sina Jaimielyn Santos Cruz at Maybe­lline Requiro Millo, dahil sa mahinang ebidensiya laban sa kanila.

Bukod sa kasong quali­fied human trafficking, si Guo ay may kinakaharap rin na iba pang kaso sa hukuman kabilang ang graft, money laundering, at tax evasion.

Show comments