^

Police Metro

Dela Rosa nais tuldukan ang pagkakaroon ng impluwensiya ng mga pulitiko sa PNP

Pang-masa
Dela Rosa nais tuldukan ang pagkakaroon ng impluwensiya ng mga pulitiko sa PNP
This Facebook post from Oct. 9, 2024 shows Sen. Ronald 'Bato' dela Rosa during a Senate hearing on Philippine offshore gaming operators.
Sen. Ronald "Bato" dela Rosa via Facebook

MANILA, Philippines — Nanindigan si Senator Ronald “Bato” Dela Rosa na isusulong niya ang isang mahalagang reporma o pagbabago sa Philippine National Police (PNP) partikular ang pagkakaroon ng impluwensiya ng mga pulitiko sa paglalagay sa puwesto ng mga opisyal nito.

Ayon kay Dela Rosa, kapag muli siyang nahalal bilang senador, bibigyan prayoridad niya ang pag-amyenda sa Local Government Code, lalo na ang probisyon na nagbibigay ng kapangyarihan sa local chief executives na pumili ng nais nilang maging chief of police.

Ang tinutukoy ng senador, na dating na­ging hepe ng PNP, ay ang pagkuha ng basbas ng mga local official para sa magiging regional at provincial director o kaya’y, city o municipal chief of police ng nasasakupan ng mga ito.

“I’ve been a policeman my whole life. The most productive years of my life ginugol ko d’yan sa kapulisan kaya alam ko what ills our organization. Kung ano talaga ang pinakamala­king problema sa ­aming organisasyon, ‘yang pakikialam ng mga pulitiko sa aming hanay. ‘Yan ang pinakamabigat,” pagbibigay-diin nito.

Nitong 19th Congress, si Dela Rosa naging sponsor at nagdepensa ng panukalang batas na naglalayong magkaroon ng organizational reforms sa PNP.

Subalit, ang probisyon na nagmumungkahing alisin sa local chief executives’ ang kapangyarihan sa pagpili ng city/municipal chief of police ay hindi napabilang sa pinal na bersyon ng Senate bill.

Pumayag si Dela Rosa na mangyari ito upang bigyan-daan ang pagpasok ng iba pang panuntunan kabilang ang pagtatakda sa 57 years old ang retirement age ng mga kasapi ng PNP, na hindi rin naman kinatigan ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

RONALD DELA ROSA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with