Finance officer ng POGO nadakma
MANILA, Philippines — Inaresto ng mga tauhan ng Presidential Anti Organized Crime Commission (PAOCC) at Bureau of Immigration ang Chinese national na finance oficer ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) hub na Zun Yuan Technology sa Bamban, Tarlac, kamakalawa sa Pasay City.
Kinila ng PAOCC ang Chinese na si Pan Meishu, na nahaharap sa kasong human trafficking at paglabag sa immigration laws.
Si Pan ay inaresto habang kumakain sa isang restaurant sa Pasay City at sinasabing nakatakas sa raid ng mga otoridad sa Bamban.
Sinalakay ang Zun Yuan Technology batay sa search warrant bunsod ng kasong human trafficking and various online scamming activities.
Ang Zun Yuan Technology ay dating kilala bilang Hongsheng Gaming Technology Inc., ay bahagi ng mga pagsisiyasat na may kaugnayan kay dating Bamban Mayor Alice Leal Guo.
Ikinatuwa ni BI Commissioner Joel Anthony Viado ang pag-aresto, at sinabing ang operasyon ay isa lamang sa marami pang darating na target ang mga ilegal na dayuhan na nagtatrabaho sa mga scam hub.
- Latest