^

Police Metro

SUV inararo ng dump truck: 1 utas, 4 sugatan

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Namatay noon din ang isang driver ng SUV habang nasugatan ang apat na iba pa matapos na araruhin ng isang 22 wheeler na dump truck sa C5 Road southbound, malapit sa Palar Tunnel, Taguig City, kamakalawa ng gabi.

Inaalam pa ang pagkilanlan ng nasawing driver ng isang Toyota Innova na kulay silver.

Sugatan naman ang hindi pa tukoy na pagkilanlan ng lalaking rider at backride na kinilalang si alyas “Mildred” na sakay ng isang motorsiklo, driver ng Ford Everest na si alyas “Renerio”, isang alyas “Noel” na driver din ng sasakyan at alyas “Jo Carissa” ng isang kulay pulang MG.

Arestado ang driver ng 22-wheeler SinoTruck na si alyas “Alex” na sinasabing responsable sa malagim na insidente na nakatakdang sampahan ng reklamong Reckless Imprudence Resulting to Homicide with Physical Injury and Damage to Property sa Taguig Pro­secutor’s Office.

Sa ulat ng Taguig Police, alas-8:30 ng gabi nang maganap ang insidente sa northbound lane ng C5 Road, sa Barangay Pinagsama, Taguig.

Sa inisyal na imbestigasyon, tinatahak ng dump truck ang C5 Road northbound sa Brgy. Pinagsama nang araruhin ang Toyota Innova, Ford Eve­rest, MG at motorsiklo, na nasa opposite lane o southbound nang banggain ng Sino Truck.

Nakatulog diumano ang driver ng truck kaya napunta sa kabilang linya at nabangga ang mga nabanggit na sasakyan.

ACCIDENT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with